Isang mag-aaral ng pangkat Moonstone, Personal na binigyan parangal ni Congressman Marco

LOOK: Congressman SGT Marco Dela Rosa, dumalo sa Paaralan ng General Licerio Topacio National Highschool upang personal na parangalan ang isa sa Pinaka matalinong mag-aaral ng baitang siyam (9) Pangkat Moonstone.

Ayon sa kaniyang pahayag kanina Alas Diyes (10) ng Umaga, “mahuhusay talaga ang bata sa lugar natin at hindi ko sila ih kakahiyang itago.” Ani pa niya, nararapat lamang sa mga mag-aaral ang bigyan ng Pagpapahalaga mayroon man itong karangalan o wala.

Lubos naman ang pasasalamat ni Glori Hazel Cabarles, mag-aaral ng Moonstone, sa Pagdalo at pagpaparangal ng butihing congressman sakaniya. “Nagpapasalamat ako nang sobra kasi nabigyan ako ng chance na ma-meet si cong at personal matanggap ang award galing sakanya. 🙏”

Inaasahan ang muling pagdalo ng nasabing Opisyal sa susunod na Markahan upang bigyan ulit ng personal na parangal ang mga mag- aaral na magkakamit ulit ng karangalan.

ISINULAT NI: Rockleen Maekyla Alexie

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *